Dumating na ang dalawang gensets upang matugunan ang short term solution ng lumalalang brown-out sa Tablas Island
Noong buwan ng Nobyembre taong kasalukuyan ay pinatawag ng Sangguniang Panlalawigan sa utos ni Gov. Madrona ang General Manager ng Tablas Island Electric Cooperative (TIELCO) na si Ginoong Pedro Fronda upang magpaliwanang tungkol sa nabanggit nga problema sa madalas na brown-out at nasabi nito na dalawang gensets lamang ang kailangan (500 kw) upang matustusan ang pangangailangan sa power supply ng buong Tablas Island.
Sa kasalukuyan ay gumagana na ang 2 gensets na inupahan nila sa Monark (300 kw) na pinondohan naman ni Cong. Totoy Ylagan.
Ang karagdagang kuryente ay malaking tulong sa mga bayan sa Tablas na nakakaranas ng palagiang brown-out maliban sa Odiongan.
Ayon kay SP Member Sam Romero, ang hakbang na ito ng dalawang mataas na opisyal ng lalawigan ay malaking tulong ngayong araw ng kapaskuhan at makapagbigay ginhawa dahil garantisado na ang 24 oras na serbisyo ng TIELCO sa buong Tablas Island.
"The people of Tablas will now enjoy a 24 hour power supply. No more bleak christmas for those who want to put christmas decor in their homes", dagdag pa ni SP Romero.