DOCTOR MAGALONG 'DI PA RIN KUMUKUPAS!

Romblon, Romblon -- Natatandaan n'yo pa ba ang isang doktor na nagngangalang Dr. Juan Magalong? Siya ay inireklamo na naman ng isang pasyente dahil sa walang sawa kung maningil ng sobra diumano.
Ayon sa isang pasyente na kanyang ginamot na dumulog sa RT, maliit lamang ang sugat sa kanyang daliri pero siningil siya ng P7,000.00.
Laking gulat ni "Lando" Mazo, tubong Romblon, Romblon kung bakit ganoon kalaki ang siningil sa kanya.
Walang nagawa si Lando ng mga sandaling iyon kundi bayaran ang doktor. Tinawagan ni Lando ang mga kamag-anak nito para humingi ng tulong dahil wala siyang perang ipambayad sa doktor noon subalit bigo rin siya dahil wala ring maitutulong ang kamag-anak. Kaya ipinakiusap na lamang niya sa mga ito na humingi ng "donation" o tulong sa kanyang mga kabarangay. Mabuti na lamang at kahit papaano ay naka-kulekta ang kanyang mga kamag-anak ng P2,500.00 at 'yon lang muna ang kanyang binayad kay doktor pero kulang pa sya ng  P4,500.00
"Bakit ganito maningil si Dr. Magalong, imbes na tulungan niya kaming mahirap na mga pasyente para gumaling, pinapatay pa niya sa bayad. Wala ba siyang awa sa tulad naming mga kapus-palad?" Ito ang nasabi ng biktima.
Subalit hindi lamang sa Romblon, Romblon kundi sa halos lahat ng ospital tumataas ang pagpapagamot sa mga ospital. Simula ng ipatupad ang bagong hospital rates ay masyado ng mataas ang binabayad ng mga mahihirap na mga pasyente na halos ay hindi na nila makayanang bayaran.
"Hindi na namin kaya ang mga hospital bills. Parang pribado na itong mga ospital natin dito sa Romblon. Pag humingi ka naman ng libreng gamot, papapuntahin ka pa sa Mayor para makiusap, paano kung ayaw mo sa mga pulitiko!" (Darwin Bernardo)
Other Stories
Magkapatid na siga...
130M loan, ibalik nalang sa bangko
Globe at Smart darating na sa 2003
Manggagawa sa Irigasyon nagreklamo
Magastos na X-mas sa Kapitolyo, "abaw"
Weathervane
The Trials and Glory of  Ernesto Ang
Kamalayan ng Bayan
ARRASTRE sa Romblon di naghuhulog sa SSS?
Editoryal
Libertarian - by Cyril Mayor
RTODAY HOMEPAGE
May Issue
Feb. Issue
Hindi Ako Nagtatago-Mateo
Vice-Versa by Vice-Mayor Molino
Ang Mundo Sa Palibot
Problema sa TIELCO inaksyonan na!
Pampasaherong jeep muntikg naanod ng baha
Summing it up with Nora
Legal Point-by Atty. Rudy Ranion
True Faith- by Rolly MAgracia
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle
Circle