Romblon, Romblon- Mag-uunahan sa pagbibigay ng serbisyong pang telekomunikasyon sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga cell relay stations ang Globe Telecom at Smart-Philippines na kasalukuyang inuumpisahan na.
Ayon sa Sangguniang Bayan Member Salvacion Duco nang makapanayam ng RT ay mag-uumpisa ng itayo ng
Keppel Communications, Inc., ang kontraktor ng
Globe-Philippines sa buong bansa bago sumapit ang buwan ng Pebrero, 2003 sa lupa ng pag-aari ng municipio sa ITT. Darating sa Romblon si Engr. Don Guerra sa unang lingo ng Enero 2003 upang masimulan kaagad ang pundasyon ng relay station. Ang cell site ay may 50 meters na taas na pamamahalaan ni Cristino C. Crisostomo, ang Assistant Vice-President ng Globe Telecoms.
Napag-alaman din ng Romblon Today kay SBM Duco na ang darating na serbisyo ng globe ay malaking tulong hindi lamang sa mga taga-Romblon at karatig pook na maaabutan nito kundi na rin sa mga pasaherong sakay sa mga barkong mapapadaan sa isla ng Romblon, Romblon para sa tuloy-tuloy na serbisyo dahil paglagpas ng Marinduque ay dead signal na.
Si SBM Salvacion Duco kasama si Mayor Leo Merida ang personal na umasikaso sa nabanggit na proyekto sa layuning makapagpapaunlad sa ekonomiya ng pamahalaang lokal at mapaangat ang maraming mga negosyo sa bayang ito.
Samantala, ayon naman kay Ginoong Roy Jeresano, ang Project Management and Implementation Manager ng Smart Line Communications ay makakapag-bigay na rin sila nga kanilang serbisyo at ito ay sa darating na kapistahan sa nabanggit na bayan bago rin mag Pebrero 203. Ito ay personal na inaasikaso ni Gob. Budoy Madrona at Cong. Totoy Ylagan na sumama pang mag-inspection sakay ng chopper sa Mount Agmalamig, lugar na paglalagyan ng cell equipments ng nabanggit na kompanya. Habang sinusulat ang balitang ito ay kasalukuyang hinihukay na ang pundasyon ng Smart Cell site sa nabaggit na bundok Agmalamig at tinatayang mauunahan pa ang cell site relay station ng Globe at operational na sa kapistahan ng mahal na poon Sto. Nino.
Maligayang Pasko at Malayang Bagong Taon Vol. 4 NO. 28