Honorable - 'Dishonorable'?; Kapitan - 'Kupitan'?
Ni Leonora V. Divina
Bgy Ipil, Magdiwang,Romblon - Isang reklamo ang dumating sa opisina ng RT na nagsabing isa diumanong Konsehal na kinilala sa pangalang "Honorable" Lolito Rona ng Magdiwang, Romblon at nagpahayag na "buwan palang ng marso ay lantaran na ang ginagawang pangangampanya sa pamamagitan ng libreng pagpapainom o pamumuno nito sa "session sa baso' sa kanyang mga kabaranggay na kanyang at tahasang upang 'ini-endorso' ang napipisil niyang manok sa darating na Brgy. eleksiyon."
"Nasasayang ang perang binibigay kay Konsehal dahil wala itong ginawa kundi ang magpa-lasing-lasing at magpainom sa ngalan ng maruming politika. Sana ay tulungan na lamang niya ang kanyang mga kababaryo upang umangat naman ang kamulatan sa kabuhayan o kaya ay tulungan din niya ang kanyang ina na siya pa rin diumano ang nagpapakain sa pamilya nito."
Napag-alaman din ng RT na kaya maagang nangangampanya si Konsehal pabor sa "re-eleksiyunistang kandidato" ay dahil magkasosyo at magkasama sa trabaho ang kanilang asawa bilang mga Bgy Heath Worker ng Bgy. Ipil."
Samantala, isang concerned citizen ang nagpaabot na may "naamoy" sila diumanong anomalya kay Bgy Kapitan na ito kaugnay sa pagbayad noong taong 2000 ng kanilang bgy sa di na deliver na isang yunit na single bed with complete beddings dahil ito diumano ay pinaghihinalaang 'binulsa lamang' at ginamit ang pera sa sariling kapakanan.
Noong Abril 10, 2002 ay nagkaroon ng session sa Bgy,. Hall at sinabi ni Kapitan na wala namang anomalya. Naantala lamang daw ang pag-deliber ng naturang "medical bed" kaya siya ay nangakong 'muli' na sa loob ng isang linggo ay kanyang ilalabas din ang hinahanap ng mga taga bgy. Ipil na medical bed para maipakita sa kanyang mga kabaranggay. Alinsunod pa rito ang halaga ng medical bed ay P7,000.00 lamang na may 4% witholding tax pa.
Taong 2001, ang health worker na asawa ni kapitan ay nagpakita diumano ng isang substandard na lumang bedding na may sukat na 48'x75' width na di tama sa aktwal na sukat na 36'x75'. Ang halangang P6,720.00 na kabuuang bayad sa medical bed ay tinanggap ng asawa ni Kapitan noong Disyembre taong 2000.
Napag-alaman din ng RT na ang naturang pera na dapat sana ay ipambili na ng medical bed ay nagastos lamang diumano ng asawa ni Kapitan para gawing puhunan sa kanyang personal na tinda-tindahan sa piesta.
"Ang kinolektang pera na galing sa kabang yaman ng barangay Ipil ay ginagawang negosyo ng asawa ni Kapitan dagdag pa ng nabanggit na concerned citiaen.
Sa kasalukuyan ay hindi pa rin natutupad ang "PANGAKONG papalabasin na ni Kapitan ang MEDICAL BED sa Bgy. Ipil, Magdiwang, Romblon matapos umasa ang mga taga Bgy. Ipil na ilalabas na ni Kapitan Florencio Royo ang PANGAKONG NA TILA NAPAKO NA. Ayon sa isang concerned citizen, "KAPITAN KA PALANG ABUSADO KA NA!"