GAGAMITIN SA PULITIKA O RAKET?
LIDER NG AKMASA PINATAWAG SA KONSEHO
By RT Staff
Odiongan ,Romblon - Pinatawag sa Konseho ang isang lider ng AKMASA matapos maireklamo na diumano ay sangkot sa ilegal na pa-raffle na nakaabot sa kaalaman ni Vice Mayor Andrew Reyes at Sanguniang Bayan Member Dominador Bantang na kaagad namang umaksiyon.
Ang suspek ay nakilalang si Kenneth de Castro na nailathala narin sa pahayagang ito na dating Friends of Beltran Organiser (FOB) at ang kasalukuyang Secretary General ng isa pang Foundation sa Romblon kasama ni Dr. Lolong Firmalo.
Dinaluhan ni De castro ang imbitasyon sa kanya at siya ay tinanong kung meron silang permiso sa DTI upang magsagawa ng nabangit na paraffle subalit wala itong mapakitang dokumento. Hindi rin diumano rehistrado ang nabanggit na samahan sa Securities and Exchange Commission (SEC) ayon kay SP Bantang na pangunahing nag-imbistiga sa Sanguniang Bayan. Sinabi naman ni De Castor na sila diumano ay may permiso kay Mayor Estanislao "Diday" Famatiga dahil pinirmahan nito ang kanilang permiso upang sila ay mag-benta at mangolekta ng pera mula sa nabanggit na raffle tikets. kinuwestyon naman ni De Castro ang ibang nag-ooperate ng loteng at endeng sa Odiongan na hindi kayang hulihin diumanao ng mga pulis.
Kahit ganito ang kanilang depensa ay ilegal ito at kawawa naman ang susunod na mga magiging biktima," ito ang pahayag ni Vice Mayor Andrew Reyes kay Leonora Divina, host ng Samahang Mapagmahal sa Bayan ng Radio Natin sa Odiongan at Suico Romero, Editor ng Romblon Text na nag-iimbistiga ngayon sa nabanggit na kontrobersya. SBM Bantang diumano ay may natanggap na mga reklamo na hindi pa naibigay ng AKMASA ang motor na pinanalunan ng isang bumili ng tiket. Napag-alaman ding sangkot si Dr. Firmalo sa nabanggit na kontrobersya na pinag-uusapan nayon sa buong Odiongan, San Andres at iba pang karatig na mga bayan kung saan ay marami ang bumili ng tiket.
Puwedeng makasuhan diumano ang mga opisyal ng nabanggit na grupo kasama si Mayor Diday Famatiga sa kasong Kriminal at Administratibo kung totoo ngang hindi nila ito pinarehistro sa Securities and Exchange COmmission (SEC) at Department of Trade and Industry (DTI) ayon sa napang-alaman ng Romblon Today. "Ang isang samahan o organisayon ay kailangan munang irehistro sa nabanggit na mga ahensiya ng gobyerno upang ang amumang opersyon nila ay maging legal", ayon pa sa isang abogado na taga-Odiongan.
Sa kaugnay na balita naman, may mga nagsabi na gingamit din ngayon ang pangalan ni Dr. Cabrera sa America, ang provincial chairman ng United Opposition ng Romblon sa tambalan nila ni Firmalo upang maka-kolekta diumano ng salapi ang ilang grupo na nagpapakilalang tutulong sa mga kandidato ng oposisyon sa darating na 2004. Bunga ng balitang ito, kaagad na kinausap naman ni Cabrera si Ginoong Virgilio Medina, matagal na panahong naninirahan sa America at ngayon ay nagtratrabaho sa US Embassy at kanyang pinaimbistigahan kung totoo ang balitang ito.
"Nalulungkot akong hindi na matutuloy ang tambalan namin ni Firmalo dahil noong ako ay naglibot sa Tablas Island ay iba na ang dinadalang katambal niya (Firmalo) taliwas sa aming pinag-usapan", hinanakit ni Cabrera.
Sinabi sa kanya ng kanyang napipisil na kandidatong Mayor sa Looc at Ferrol na hindi siya ang dinadalang katambal ni Firmalo noong pumasyal ang huli sa mga lugar na ito. Pinakalat pa diumano ng grupo nito na siya ay kumakandidato na lamang Mayor ng Odiongan. Ang balitang ito ay kinumpirma rin ni Bishop Foja ng Philippine Indepent Church (PIC) sa Odiongan na kinausap ni Dr. Firmalo na kumbinsihin si Dr. Cabrera na tumakbo na lamang sa posisyong Mayor. "Hindi puwede magsinungaling sa akin si Bishop Foja dahil ito ay isang pinuno ng isang napakalaking simbahan. At sa palagay ko ito ang ang gustong mangyari ni Madrona na ako'y matanggal sa line up dahil madali na niyang talunin si Firmalo. Nahihya nga akong sabihan si Firmalo na siya ay kumandidato muna sa barangay dahil hindi pa siya nananalo kahit kapitan, bakit ako pa ang pagsasabihan niyang umatras?
Ako ay tested na opposition leader at Board Member, lone survivor sa labanang napakahirap ipanalo noong nakaraang election.
Kung ganito ang gustong mangyari ni Firmalo ay tinatanggal ko na siya sa aming listahan at ipapalit ko na lang ay si Mayor Paping Mayor ng Ferrol bilang aking katambal kung karamihan ng mga Mayors ay sasama sa oposisyon. Pinapa-alalahanan ko na rin sila na ang maging "independent candidate" o "third force" ay napakahirap manalo lalo na pag wala kang partido at pambayad sa pagkain ng mga watchers, gusto n'yo bang maging nuisance candidate?" dagdag pa ni Cabrera ng makausap ng Romblon Today.
Pinag-aaralan din ng grupo ni Cabrera kung totoo ang balitang may "pakawala na diumano sina Bodoy na kakandidato upang hatiin ang oposisyon. Ang pinsan ni Firmalo na si Luis Firmalo, kumandidatong vice-mayor sa Odiongan at tinanggap na ang alok ni Madrona at ngayon ay Assistant Provincial Warden. Narinig din diumano si Madrona na nagsalita at sinabi nitong may hawak na siyang oposisyon.