Isang anak ng San Jose ang nagpahayag ng kahandaang kumandidato sa pagka-mayor ang maagang nagdeklara ng suporta kay Dr. Cabrera, bilang opisyal na kinatawan ng United Opposition. Isinilang noong Oktubre 15, 1968 sa Poblacion, San Jose, Romblon, si Engr. Miguel Elisan Tumbagahan ay naging matagumpay na negosyante ngayon sa Binondo, Manila matapos nitong makipagsapalaran sa buhay. Sinabi niyang susuportahan niya ang layunin ng United Opposition sa Romblon upang maging bahagi ng papipintong pagbabago sa pulitika.
Ayon Kay Engr. Tumbagahan na isa ring Geodetic Engineer, ang mga tao ngayon ay sawa na sa lumang pulitika, hangad nila ngayon ay isang makabagong pamamaraan ng pamumunbo upang umangat ang kanilang buhay lalo na sa maliit ngunit magandang isla ng Sta. Fe na malapit lamang sa Boracay Island.
Si Tumbagahan ay batang-bata lamang subalit malayo na ang narating sa larangan ng negosyo. Siya ay may isang anak na babae lamang at kasal kay Ginang Yolanda Rogelio ng Marinduque na nagtapos ng kursong Bachelor of Science in Education sa National Teachers College.
Wala siyang ibang hinangad noon pa man kundi ang makapaglingkod sa kanyang mga kababayan.
Ang kanyang mga magulang ay sina Ginoo at Ginang Roberto at Imelda Tumbagahan at isa sa marami ngunit masayang pamilya dahil sila ay labing dalawang magkakapatid.